Song Info: Ikaw Ang Musika Song is sung by Gwy Saludes & Marc Alfaro & lyrics written by Gwy Saludes & Marc Alfaro.
Ikaw Ang Musika Lyrics Gwy Saludes
Pagmulat ng mata kasama na kita
Sinasangga ang laban, sa’n man tayo magpunta
Sunud-sunuran sa laruan hanggang sa eskwela
Di na humiwalay, tayo na ba ang tinadhana?
Nagkagusto man ako sa kaniya
Ikaw pa rin ang nais kong makasama
Walang iba
Bawat tingin, tono sa tenga’y humihiling
Pagkat sa bawat minuto, gusto kang pagmasdan
Ewan ko ba, ano ba ‘tong nadarama
humahalo sa agos ng pusong takang-taka
Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara
Sabay sa bagyo ng isip
Paano nga ba sasabihin
Kung lumalim ang damdamin
Hahayaan ba o aking aaminin? Paano na
Oooh
Ooh
Pagtapos ng araw, ako lang at ikaw
Ganda ng ulap, ang damdamin ko’y umaapaw
Nakaupo, magkatabi’t kasama ang gitara
Nakatingin sa ‘yo, ramdam ang pusong guminhawa ~
Kaba sa puso nararamdaman
Ngayon na ba o kailan mo malalamang
Mahal kita
Bawat tingin, tono sa tenga’y humihiling
Pagkat sa bawat minuto, gusto kang pagmasdan ~
Ewan ko ba, ano ba ‘tong nadarama
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka
Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara
Sabay sa bagyo ng isip
Ating puso, nang malaman ang pag-aming
Pareho tayo ng damdamin
ika’y mamahalin paano na
Paano na? Hindi ko na kayang manatili pa
Huwag mo sa ‘king sasabihing tama na
Ayoko na. Sana hindi ka na nakilala.
Naaalala mong nangako ka, ‘di ba?
Ikaw pa rin ang laman ng musika…
Bawat sigaw ng melodiya
Sabay sa tibok ng puso
Habang-buhay, hawak-hawak ang iyong kamay
Mananatili sa iyong tabi
Pangako, di ka bibitawan
Pangako, di ka bibitawan